Tuesday, June 5, 2007

Ayusin mo nga ang pagmumukha mo... (1.04.2007)

grabe!!!! ang saya nitong newest find ko sa internet... ang website that features this face recognition technology... bale what you do is you upload a picture.. then run the face recognition program and then biglang mag a appear na lang ang mga pictures ng kamukha mong celebrities... syempre to do this eh dapat mabilis yung internet connection mo... biruin mo naman kung mabagal yung connection mo eh di mangutal-ngutal ka na sa kaba dahil sa kakaantay kung kaninong celebrity malapit ang mukha mo... kaka tense yun ha... sympre ini-imagine ko na na ang lalabas na picture eh yung kay allan k....it's all in the nose baby!!!!

pero grabe talaga... mangilan-ngilang beses ko din itong ginawa... pano kasi yung unang bumulaga sa akin eh... my goodness... lalaki ba naman ang kamukha ko!!!! at dun sa result na lumabas eh di lang isang lalaki kundi apat noh!!! sa buysit ko eh di ko na inalam ang mga pangalan nila... pwera lang dun sa isa kasi sympre koreano!!!! hay.. kaya ayun... lalong naghingalo itong laptop ko.. pano kasi halos lahat na lang ng pictures ko dito eh nasubukan ko na... finally eh naka-jackpot din ako... aba! nabuhayan kaya ako ng loob hah...may pag-asa pa pala ang loka!!!!
New11Kimrae

No comments: