It's blog time once again... sympre after a short hiatus eh eto na naman ako!!! nagwawasik ng walang katuturang lagim....
syempre, galit-galit muna kami ni friendster kasi nagbakasyon ako sa Manila... yung dapat na 3-week vacation eh na extend na ng one-month vacation dahil sa hassles of being a desirable alien (pagbigyan na noh... alien na nga eh undesirable pa... kalabisan na yan men!) at nag side-trip muna sa singapore... Kaya super saya talaga nitong vacation kong ito... sympre ba naman noh... one year ko ding di naamoy ang mausok na mundo ng metro manila.... ang tagal kong di nakita ang family and friends ko...pero medyo kakalungkot din kasi di pa din kami completo... (pero ok lang yun jojo kasi yung bagong doggie eh namesake mo naman kaya dun sa family pix eh kumpleto pa din...joke lang ha... mas lamang ka naman ng konting paligo kesa dun sa bagong doggie eh...atchaka pinalitan na ang pangalan.. nagalit kasi si dad... hehehe)
kaya ngayong nandito na ako ulit sa taiwan eh napag-isip-isip ko na talagang babalik na ako ng manila! Pero ha.. di naman ito sudden decision... talagang pinag muni-muni ko ito ng ilang oras sa kubeta (joke!!!!) at sympre nag-isip ako ng mga magagandang reasons kung bakit i'm giving up my work here in taiwan...
1. maBABA na ang exchange rate ngayon noh!!!! aba noh... allergic ata ako sa lahat ng klaseng BABA... as in lahat ng klaseng BABA!!!!!! biro mo, when I got here, the exchange rate was 1.7NT to a peso... eh ngayon 1.4 na lang sya... tapos yung nandyan ako sa manila ang exchange rate sa mga banks eh 1.38NT to a peso.. my goodness ang BABA nun noh.... kahit .02 lang and difference eh malaki na yun lalo na kapag ang nag co-compute eh isang miser like me!!! kaya uuwi na talaga ako....... tapos pag naging 2.0NT to a peso eh tsaka na lang ako babalik...ngiyaks!!!
2. napag-isip isip ko na talang di mapapantayan ng pera ang pamilya... kahit gaano kalaki pa yun kung malayo ka naman sa family mo eh parang it's not really worth it... you get to buy the things that you want... pero you don't have your family to share it with kasi nasa malayo sila... pero actually... nag-so-sour graping lang ako.. pano kasi kahit 2 years na ako dito eh wala pa rin sa bokabularyo ko ang salitang "savings"...
3. 2 years na ako dito!!!!! nakoh... kaya nga even if there's still an opportunity for me to work here eh uuwi na ako... masyado nang matagal ang 2 years... aba! masyado nang na-ta-take advantage ng mga angkongs ang kagandahan ko dito noh... Dapat lumipat na ako sa ibang lugar na mas bata-batang generation naman ang makakapansin sa akin... kaya nga next stop... Africa... kasi balita ko may isang place sa Africa na pinatataba muna ang mga babae bago pinakakasalan ng mga men... wala silang ginagawa magdamag kundi kumain at humilata... YAN!!!!.. yan ang life!!!
4. I miss the life that i have there... dito kasi parang mala-robot ang existence mo.... all work and no play noh.... magdamag work na lang ng work... walang bukambibig kundi "work"... ayan sa kaka reklamo ko tuloy eh binawasan na ako ng oras sa work.... karma... ang bilis nya talaga!!!!
5. Ang dami ng Koreans dyan sa Manila... buhay na ulit ang monkey business ko!!! Yehey!!! Aja! Aja!!!
6. I hate Winter!!!! grabe naninigas na ang kalamnan ko dito noh... buti na lang at kahit may winter dito eh di sya nag sno-snow.. dahil di ko na talaga ma-ta-take yan... biro mo... imbis na rock-solid abs ang mapagmamalaki ko eh rock-solid bilbil!!!! boohoo...hoo..hooo....
but stilll....kahit na kunwaring sinusumpa-sumpa ko ang Taiwan eh I have a lot to be thankful for.. kasi i gained a lot of experience here... work experience and life experience... they made me realize my own worth... made me realize up to what extent I can endure life's trials.... (naks!!! as deep as the bottom of the deep blue sea ang drama!!!!) at sympre ang pinaka-pinagpapasalamat ko eh yung mga friends na nagkaroon ako dito.. because they were the ones who really kept me sane here... nakoh noh.. wag i-small-in yan... it's really a great feat.. lalo pa kung yung friend eh freak magnet na katulad ko....eh super laking effort para sa mga friends ko dito na panatiliin akong matino at mabawasan ang aking pagka-lukring... talagang kung hindi dahil sa kanila eh di siguro ako magtatagal dito ng ganitong katagal na panahon...
No comments:
Post a Comment