Back in high school, my fiends--este friends pala-- and I would use code names for our Chinese teachers... (actually sila lang ang aaminin ko... kasi sila lang ang di makaka intindi nitong sinusulat ko! :P) pero di naman talaga kami yung nagbigay ng codes names... namana lang namin dun sa mga "higher batches". Alam ko din naman kasi na its a mean thing to do... sympre naranasan ko na rin ang mabigyan ng code name... at di lang basta-bastang code name ah... as in super duper to the max na pagka-mean... eh di ba nga nung one time I was referred to as MILA ... although it was just for a short period of time (kasi para sa Kris Kringle yun) pero malay ko ba kung hanggang ngayon eh yun pa din ang tawag nila sa akin... sympre they would only use that codename behind my back... (dun sa mga kapwa kong slow... MILA refers to Mila's Lechon at di yung dakilang teacher na ginawan pa ng movie!)
So bakit ko naalala bigla yung mga codenames?!? Paano kasi yung teacher ko ngayon sa Fujen is one of the consultants of Saint Jude... she went to Manila about a week ago kasi gusto ng school na palitan yung current curriculum nila sa Chinese... masyado daw kasing mahirap... sabi ng teacher ko eh the lessons being taught in Saint Jude are the same as the lessons being taught here in Taiwan... eh sabi nya nga kung yung mga authentic Taiwanese daw eh nahihirapan sa mga lessons na ito... yung mga estudyante pa kaya sa Saint Jude... no wonder wala akong natutunan noh! kaya meron talaga akong valid reason kung bakit palagi akong bagsak! Defensive ang loka!!!!
Anyway, she asked me kasi if I still remembered my high school Chinese teachers... ako naman, without any hesitations, sumagot ako ng isang malutong na "YES"... kasi naman talaga naaalala ko pa sila... sa dami ng pinagdaanan namin... sa kanilang endless na pangaral, sa dami ng summer classes na na-attend-an ko at my goodness noh... tuwing fourth quarter eh nandun ako sa chinese faculty at nagmamakaawa na ipasa nila ako...eh talagang naka-imprint na sila sa aking utak!!! Sus! di ko naman akalain na she wanted me to name names... patay talaga! sympre panay code names lang nila ang naalala ko! Alangan naman sabihin ko..."ah na meet mo ba si "Elvis", si "Kabayo", si "Daga", at si "Gulay"?" Kakahiya talaga! tapos malaman laman ko pa na si "gulay" marunong pala managalog kasi she was born and raised in the Phils... grabe... as in kung baboy talaga ako eh double dead na ako noh!... kaya ang sabi ko na lang baka retired na kasi yung mga teachers ko... ang tagal ko na kasing nag-graduate dun eh!!! PALUSOT!!!!
No comments:
Post a Comment