Tuesday, June 5, 2007

For the first time... (04.22.2006)

The year 2005, by far, has been the most memorable year I have ever had. A lot of life changing experiences had happend that sometimes, it feels like I am way over my head. Para bagang and daming pagbabagong nakakapanibago na minsan parang kulang ang oras just to absorb all these changes...

But I am not complaining.... kasi sympre I learned a lot of things about life and about myself....at sympre ang pinaka-importanteng lesson dyan eh to view life as a series of comedic events...kaya yang mga may katok na yan... isa lang ang masasabi ko noh... bring it on!!! On second thought, bring them to the mental hospital na lang.... wag na lang tayo maghanap ng gulo...

Pero di nga... a lot of "first" happened kaya super memorable sa akin yung 2005....

It was my first time to travel abroad by myself...

as in ako lang talaga... kaya yung kinakatakot ko nun baka magkamali ako ng sakay ng plane tapos instead of taiwan eh sa afghanistan ako napadpad... grabe di ko kakayanin yun!

It was my first time to really really wash my own clothes...

kasi dyan sa Manila si yaya ang palaging naglalaba ng mga damit ko... pero pagdating ko dito eh I had no choice but to do it myself... di naman kasi pwede na i-recycle ko lang ang pagsusuot ng mga damit ko... bantot ko na nun ha.... kaya naman feel na feel ko na kunwari ako yung bidang girl dun sa Full House... kasi pinapaa ko din yung paglalaba tapos feeling ko any moment eh biglang mag-a-appear si Rain at tutulungan nya akong maglaba... kakakilig....paano ba naman kasi I got intimidated by the very high-tech equipment called the washing machine. Sos noh... Chinese ba naman kasi ang nakasulat kaya di ko alam kung ano yung pipindutin ko... eh meron pa naman akong napanood sa tv dati na ni-washing machine nya yung mga damit nya tapos nag shrink... granted nga na walang nakakakilala sa akin dito... pero my goodness... pagtatawanan pa din nila ako kapag lumabas akong muhkang sumang dinikitan ng band aid!

It was my first time to eat alone in a restaurant...

at talagang pinaghandaan ko itong event na ito... nagdala ako ng book at bumili pa ako ng newspaper. Pero di ko din naman nagamit... kasi sobrang naging busy ako sa pagkain... aba 20 minutes din akong naglakad para lang makarating dun kaya naman lapa ang ginawa ko sa kawawang pagkain....

It was my first time to see and touch the dolphins...

super fun yung experience na yun... we paid around NT400 to NT600 just to touch them and have some pictures taken... meron din nga yung swimming with the dolphins... yun talaga ang gusto ko kahit mahal sya... kaso naisip ko baka pagnaka-wet suit na ako eh pagkamalan nila akong long lost relative nila... or worse eh balyena! nakoh noh... siguro kung nangyari yun eh ako na ang main attaction dun sa ocean park!

It was my first time to wear a face mask...

kasi dito uso yung face masks... di ko lang sure kung kelan nauso yun pero my guess is yun yung same time na nauso ang SARS... iba't ibang designs pa nga sya...talagang yung ibang tao dito ngayon eh ginagawa ng fashion statement ang pagsusuot ng mask... pero ako naman di ko sya sinusuot dahil nakikiuso ako... di din dahil sa takot akong magka-SARS... my reason? pano kasi nakakatulog ako palagi sa biyahe... eh one time (yung di ako nakatulog) eh meron akong nakitang taong nakanganga habang natutulog... so naisip ko... niyaks, ang sagwa!!! baka ako din ganyan... sympre di ko naman namamalayan kung nakanganga nga ako di ba... eh ang masaklap nyan pano kung tulo-laway pa! Kaya pala nung minsang pag-gising ko eh yung katabi ko at yung mga taong nakatayo eh nakatingin sa akin! shocks!!!!

It was my first time to spend the yuletide holidays by myself...

medyo sad at mangiyak-ngiyak ako nung kausap ko yung family and friends ko sa phone pero syempre kunwari happing-happy ako at nagpapaka-strong... buti na lang talaga may kumupkop sa akin nung panahong iyon at awa ng diyos eh di naging masaklap ang Christmas kong iyon.

It was my first time to milk a cow...

although di naman sya naging successful kasi walang lumabas na milk... kasi ba naman nahiya ako dun sa cow.... naisip ko kasi na pano kaya kung ako yung cow, tapos ang daming tao ang nag-tr-try na gatasan ako... my goodness... siguro feeling ng cow violated na sya... kaya kung ako yung cow... magpapa-tatoo ako sa dibdib... ang papalagay ko eh "Hands off my girls!!!!"

No comments: