I'm not really bothered that up to now, i still don't have a lovelife... syempre if someone great comes along eh bakit ko naman aayawan di ba...wait lang ako... sabi nga ni kats baka naligaw lang... pero para ako mismo ang mag-hunting para sa kanya eh ibang usapan na yan... kaya nga di ko maintindihan kung bakit a lot of people are taking it upon themselves to find me a good match... eh pag nakakahalubilo ko naman sila eh di naman ako nag rereklamo tungkol sa aking non-existent lovelife... ni di ko nga sila kinakausap... kaya nakakapagtaka na bigla na lang nila akong kakausapin just to tell me na there's someone they would like me to meet....
nakoh noh... allergic ata ako sa katagang iyan!!!! due to a very bad experience... sympre i'm not dubious to the fact that i'm not pretty and i don't have a body to speak of.... pero para i-match mo ako sa isang lalaking mukhang kuhol eh di ata tama yan.... at sabihan ba naman ako na pasalamat ako at naisip pa nya ako na i-match dito kay kuhol eh nakakapag-init ng ulo!!!! di daw kasi ako makaka hanap ng boyfriend on my own kaya kailangan ko daw ng tulong.... eh di naman ako nagpapatulong noh... i'm happy the way i am...atchaka my goodness... kung maisipan ko mang magkalat ng lahi eh gusustuhin ko namang magandang lahi noh...
kaya ngayon dito sa taiwan... akala ko makaka takas na ako dyan sa matchmaking-matchmaking eck eck na yan.... kasi di ba wala naman akong mga kakilala dito... at sympre focus ko dito eh work... kaya sobrang di ko talaga maintindihan kung bakit parang ginawa na nilang quest sa church na hanapan ako ng "friend"... sympre di lang basta bastang friend yan... kasi halos palagi ang gusto nilang ipakilala sa akin eh mga boys.... kaya ayan... feeling ko tuloy na isa na sa mission ng church ang hanapan ako ng boyfriend... para bang medical mission.... complete with forms to fill ah!!!....
ayun awa ng diyos... di na ako kinakausap ng isa dun sa church... kasi di ko sinipot yung papakilala nya...eh nakakatakot naman kasi noh... biro mo, ang sabi ba naman sa akin kaya daw nya ako papakilala dun kasi naghahanap yung lalaki ng chinese na girlfriend... eh naisip daw nya ako agad kasi marunong ako mag-English (Aussie kasi) at wala pa akong boyfriend.... at hanggang ngayon yung isang grandma dun tinatanong pa din ako kung kailan ako makikipag-meet sa grandson nya... grabe mamaya akala nila may LBM ako noh.. kasi tuwing na bri-bring up yang topic na yan eh exit ako agad sa CR... dun ako nagtatago...
kaya eto ako ngayon.... na pra-praning... kasi feeling ko talaga di nila ako tatantanan... nakakahiya man kay Gina, eh pati sya kinunsulta ko na tungkol dito...ayan... i finally made up my mind... meet na kung meet! wala naman daw mawawala sa akin... atchaka para naman daw di ako mag-mukhang isnabera... bahala na nga si batman!!!!pero dun lang sa grandson... ayaw ko dun sa isa... baka maubusan kasi ako ng english... sabi nga ni achie luz... at least naka libre tayo ng dinner!
No comments:
Post a Comment