Tuesday, June 5, 2007

Sa aking paglisan... (4.14.2007)

I must admit.. marami din naman akong ma-mi-miss when I leave Taiwan for good this coming July. Sympre 2 years din naman yung inilagi ko dito... so kahit panay reklamo at mga sumpa ang bukam-bibig ko eh na-appreciate ko din naman yung mga nuisances and inconveniences (sympre kelangan may "s" yang mga yan dahil sa dinami dami ng na-encounter ko ditong lukring eh kulang pa ang isang "s" noh!) na naransan ko dito....

Number one on my list... LOTTO!!! nakoh noh... super nanghihinayang ako kasi di na ako makakataya sa "da lotto" nila dito... biruin mo 100 million NT ang starting jackpot prize... dream come true talaga yan pag napanalunan ko yun... pag nangyari kasi yun eh pwedeng pwede ko nang i-stalk si rain... kasi by that time eh meron na akong money na pang piyansa....

public transportation.... very organized yung transportation system dito... talagang mas convenient mag-bus, mrt or train kaysa sa mag-drive ng sariling car... tapos meron pa sila ngayong bullet train.. mahal lang nga sobra at di kaya ng budget ko pero gusto ko talagang subukan kasi super bilis kang makakarating from north taiwan to south taiwan... talagang fresh na fresh ka pa pagdating mo sa iyong destination... eh my gosh.. kung sa atin ka sasakay ng train eh baka pag baba mo eh mapagkamalan ka nang nabugbog na batang yagit....

Fruits... ang sarap ng fruits dito.. lahat matamis... pati yung fruit na dapat maasim eh super tamis dito... tapos since number one priority ng mga taiwanese eh ang "convenience" (halos lahat kasi ng pinagkakaabalahan nila dito eh anything that would make their lives more convenient) eh talagang pati prutas nila eh seedless na... san ka ba naman nakakita ng atis na walang buto noh (o kung meron man eh mangilan-ngilan lang)... eh hello... yung atis kaya sa atin panay buto lang... jackpot ka na kung may malasahan ka pang iba aside dun sa buto noh...

NET... ang aking favorite clothing store...fashionable and affordable (keyword... Affordable!!!) ang mga clothes and accessories... at ang pinaka-importanteng factor kung bakit ko sya favorite... nagkakasya sa akin yung damit... granted kelangan lang palagi akong nakatayo at medyo hinay hinay sa paghinga...

Ikea... grabe medyo pwedeng lakarin kung sinipag ka at malamig ang panahon... talagang addictive ang store na ito... ang sarap umikot sa loob kasi ang daming makikita... pero sympre aside from home furnishings at iba pang mga butingting eh ang pinaka binabalik-balikan ko dun eh yung kanyang refillable coffee..... as in paradise yun para sa EX-coffee addict na kagaya ko... nag-cu-cut back na kasi ako sa coffee intake ko... napapansin ko kasi na nanginginig na ako... eh yun kaya yung worst fear ko... yung non-stop jiggling of my bilbils with matching "getting jiggy with it" sa background!!!!

at last but not the least...si Pong, my pet pagong.... di ko kasi sure kung mauuwi ko sya sa manila... pwede naman siguro kaso ang tanong eh magkano ang babayaran ko!!!! kaya nga ngayon pa lang eh nag-fo-formulate na ako ng mga schemes kung paano ko sya maipupuslit sa airplane... pwede ko syang itago sa bulsa ko... kaso baka ma-detect sya ng sensor... pwede ko syang kabitan ng lawit at gawing accessory.. kaso malikot yun.. tiyak mabibisto... o kaya naman pwede ko syang ilagay sa tupperware at palabasing may baon akong turtle soup... kaso naisip-isip ko na parang ayoko atang i-risk yan.. kasi mamaya ipa-inom sa akin yung soup... yakadiri noh!!!!

No comments: