it's been a long time since i've written something in here!!!! dati kasi i make it a point to at least write one entry per month... para to keep track on what's happening in my life... para pag matanda na ako eh makapag muni-muni naman ang lola mo!!! kaso grabe.... naging busi-busihan ako... medyo naubusan ako ng oras!!! i was able to get another part time job kasi kaya ayun mon to sat ang sched ko mula am to pm... lagarista na talaga ako!!!! tapos sympre ang dami pang outings with my friends... aba naman noh!!! these outings are long overdue... 2 years na ako dito pero wala pa akong napupuntahan masyado...
kaya eto talaga ang inatupag ko... ang paglalakwatcha... anong panama sa akin ng mga host dyan ng mga travel shows!!! aba... all in one na ako noh... host... camera man.... kargador.... personal assistant... cook... at ang pinaka swak sa lahat eh ang pagiging food connoisseur... actually ang ibig sabihin lang nyan eh super takaw ako at lahat ng pagkain na iharap mo sa akin eh susubukan ko... as in lahat!!!!!
first stop... Dan Shui... wala talaga akong masabi sa lugar na ito... as in WALA talaga!!! pano kasi parang seaside place lang sya... actually sa pagkakatanda ko eh parang mas maganda pa nga yung baywalk sa may manila bay eh... yung mga tindahan dito eh are the same ones that you see around taiwan... the only difference is that may malalanghap kang amoy shokoy habang kumakain ka sa McDonald's at nag sho shopping ka sa Watson's....
Miramar Shopping Center and Yang Ming Mountain... super saya itong outing ito kasi first time kong maka punta dito sa shopping center na ito... ito kasi yung shopping mall na may malaking ferris wheel sa loob ng mall... kaso di ako sumakay... paano kasi hapon kami nagpunta dun.. so super sikat talaga ng araw... eh yung carriage nila eh walang tint.. katawa tawa naman siguro kung mag payong ako sa loob noh... kaya ang ending eh nag shopping na lang ako with my NFF (New Found Friend... gosh!!! rubbing elbows with jake, matthew and lance with my acronym!!! pero ang totoo lang nyan eh for the life of me, hindi ko matandaan yung spelling ng name nya... sorry!!!! :) unique kasi atchaka likas na slow po tayo!!!)... after my other friends finished their ferris wheel ride eh we were off to yang ming shan (mountain).. grabe di ko akalain na malamig na dun!!! ang nipis pa talaga ng suot ko... short sleeves at wala akong dalang jacket!!! ang tibay!!! pero kahit sobrang buhaghag na ang drama ko at medyo may paninigas effect na sa lamig eh na-enjoy ko naman ang view sa The View... tapos being the camera addicts that we are eh picture to the max ang inatupag namin.. aba noh.. totoo ang kasabihan na mas tumataba ang tao pag sa picture... kaya in reality... payat ako!!! actually pwede na nga ako maging poster child ng AA eh... anorexic anonymousse... este anonymous pala!!!
Taipei Zoo... hay.. ang tagal kong pinangarap na makapunta sa zoo noh.. pano kasi pinalaki ako ng mga magulang ko na to always pay respects to your relatives by visiting them... eh since 2 years na akong nandito sa taiwan.. eh i think that its high time to pay them my respects!!!! kaya nga tuwang tuwa si uncle hippo sa akin... talagang full house ang kuwadra nya... nag imbita pa ng mga friends nya para lang salubungin ang pagdating ko!!!! kidding aside.. eh super excited talaga ako sa field trip na yun.. aba naman... san ka ba naman naka kita ng teacher na mas excited pa sa mga students nya noh.. hay.. only Teacher Joyce yan mga kids!!!! kaso di ko din masyado na-enjoy ang aking first visit to the zoo.. kasi tsempo naman na yung ibang schools eh nagsipag-field trip din nung day na yun.. eh di yun!!! isang damakmak ang mga students.. as in ZOO talaga sya noh... buti pa ang mga hayop eh meron silang designated space to roam around - to kick back and relax...'
Last and the most memorable (by far) outing.... jio (9) fen... unforgettable talaga... ito yung tipong experience na masasabi mong "i learned something from this!!!!" ang plano kasi namin nila gina, michelle at jennifer is to go there after our respective classes... kasi kahit saturdays may work kami... so after class mag me meet kami sa isang place.. tapos pupunta kami ng jio fen.. and since may mga restaurants dun na open 24 hours.... ang plano.. (dapat!!!)..eh di kami matutulog... so di din kami mag re rent ng room... basta dun lang kami mag-st-stay sa resto at magkukuwentuhan, maglalaro ng cards, scrabble, boogle and mah jhong magdamag... pero gosh tinulugan ako ng mga kasama ko... ako lang yung super alert at kala mo tumira ng isang litro ng super strenght espresso!!!! hay.. noh... para ba naman malibang ang loka eh naglaro ako ng scrabble mag-isa... sympre para mas exciting eh kunwari yung mga players daw dun sa game eh si rain, si kim rae won, si dennis o, si daniel henney!!! pero finally eh naawa sa akin si jennifer at dinamayan nya ako sa paglalaro ng scrabble... pero sympre nasa team ko si rain noh!!!! tapos ba naman just when the game of scrabble was getting to the most exciting part eh pinagsarhan ba naman kami ng restaurant... ang ending... nangatog kami sa ginaw at umuwi na lang dahil nag give up na ang mga kasama ko... nakoh noh... nung araw na yun eh walang panama sa akin si energizer bunny sa sobrang pagka-energetic ko... at yun eh after 36 hours of no sleep ha!!! kaya nga buti na lang din at sa kape lang ako addict dahil kung pati sa iba pang uppers ako na-addict eh my goodness gracious!!!! kakaibang level na ng energy at pagkadilat ng mata ko nito.. tapos idagdag mo pa ang fact na right now.. green is my favorite color!!!! grabe noh.. ayoko namang makarinig (tuwing ksama ko si pong, ang aking pet pagong) ng "Uy, tingnan mo o!!!... ang cute-cute naman ni pong at ni kerokeroppi!!!!"
No comments:
Post a Comment