fact: I've always been fat... never kong naranasang maging payat... actually nung bata pa ako eh ang talagang dream ko eh sana... one day ...eh maging malnourished ako... kaso talagang mailap ang tadhana... di pinagbigyan ang kahilingan ko...
I'm pretty sure that during high school eh I've reached a mortifying weight of 200+ pounds.. syempre di ko na ninais pang alamin ang exact weight ko dahil the thought of getting on the weighing scale during those days was truly horrifying... grabe... super nakakatakot at nakakapraning yun noh.. dahil iniisip ko dati eh baka bumigay ang weighing scale sa akin... pero sure na sure ako na umabot ako sa kakaibang katabaang iyan dahil meron akong mga proof!!!
Proof # 1: sympre since nga kakaibang powers ang aking katabaan eh ang aking siguristang mother eh palaging pinalalagyan ng allowance yung skirts ko.. yung tipong pinahahabaan nya yung part ng skirt kung saan naka kabit yung parang pang-hook sa skirt... aba! talagang umabot sa point na pati yung aking "reliable safety pin" eh naging not-so-reliable dahil wala na siyang mapagkabitan... nakoh... yung nangyari yan eh medyo nahimasmasan na ako at nasabi ko sa sarili na (operative word is "medyo") "This is it ! ! ! ! dapat na akong magpapayat..." kaya naman naki-join ako sa aking mga friends sa pag skip ng lunch... aba... talagang di ako kumakain ng lunch nun at tumatambay lang ako sa classroom munching on skyflakes (o di ba "medyo" nga!) awa ng diyos eh makalipas ang ilang buwan eh naging reliable na ulit ang aking sangkatutak na safety pins...
Proof # 2: dahil sa nag-worry talaga yung parents ko sa aking health eh nung summer vacation before ako mag-third year high school eh sinali na nila ako sa slimmers world... sympre... ako eh medyo pa-dyahe dyahe pa nung una... kasi sympre alam ko na pag punta ko palang dun eh ang unang-unang papagawa sa akin eh ang pagsalang sa akin sa kawali este scale pala (in other words eh kikiluhin muna nila ako noh!)... so nakipag-deal muna ako sa kanila na kung pwede eh bumili muna kami dun sa auntie ko ng food supplementary drink... tapos pag medyo pumayat na ako eh tsaka kami pupunta ng slimmers... talagang mabait ang diyos at nakoh.. nag-work naman si Reliv!!! pumayat pa ako ng konti at di kalaunan eh lumakas na ang loob kong pumunta ng slimmers... at eto... eto yung proof... pagsalang ko sa kanilag heavy-duty weighing scale eh 198 pounds ang bumulaga sa akin... with matching konsuelo de bobo pa ng nutritionist na keyso may suot daw kasi akong damit kaya nakaka-add daw yung ng pounds... so kung naghubad pala ako bago mag-weigh eh siguro 98 pounds lang ako... bigat kasi ng suot kong cycling shorts at oversized-shirt!!!
dahil sa aking very obscene fatness eh halos lahat ng klaseng pagpapapayat.. the healthy and unhealthy kinds... nasubukan ko na... talagang kina-reer ko ang pagpapayat...hindi lang nga halata sa pangangatawan... pero kung experience lang ang pag-uusapan eh masasabi kong expert na ako sa dieting... kaya ngayon maniwala kayo sa akin pag sinabi kong the "laptop diet" works... as in it really works... in just a few weeks eh you'll be able to lose at least 5 pounds... curious on how to do the laptop diet? easy lang yan... ganito ang gawin nyo.. bumili kayo ng laptop na di nyo naman talaga afford... dyan na papasok ang pag cut-down mo sa iyong food intake dahil kahit gustuhin mong kumain ng isang dosenang tinapay eh di mo na magagawa dahil wala kang pambili... at sympre i add mo pa ang pagpupuyat gabi-gabi dahil sa kakaisip kung san ka kukuha ng money eh tiyak.. papayat ka!!! take it from me... I've lost an easy 5 pounds without meaning to!
disclaimer:The views, opinions, findings, and conclusions or recommendations expressed on this service are those of the author and do not necessarily reflect the views of people in their right minds.
4 comments:
sto ko sanang itry yan.. kaso tingin koo mas mahal ko talaga ang pagkain eh.. hahaha=) -jo
Good Afternoon
Can I link to this post please?
Hi, very interesting post, greetings from Greece!
really you want to create a link to this post? WHY? =)
Post a Comment