Tuesday, June 5, 2007

The warrior in me... (4.22.2006)

Naks... title pa lang sounds intriguing na... pero kasi ang first impression palagi ng mga tao sa akin eh tahimik... di masalita.. mahiyain... well may pagka-totoo naman talaga ang mga yan... pero like any other person eh I also have a dark side... at sympre ika nga ni Gina eh nasa loob ang kulo ko... so I can definitely say that my dark side is darker than most... Kasi in fairness, mahaba-haba ang pasensya ko.. I always make it a point to get along with everybody... I try my best to be tolerant of other poeple... kaya 'pag nag-explode naman eh magtago ka na sa lungga mo dahil di kita titigilan hangga't di ka makatikim sa akin!

Kasi daw according to my friend/feng shui expert eh wala daw akong aggressive star... wala din akong war star... so talagang as much as possible eh I try to veer away from negativity and confrontations... But one thing I have is the warrior star... yun yung tipong patayan ang laban when fighting for a cause... when pushed to a corner eh the lioness in me emerges ...

Sobrang naniniwala ako dyan noh... kasi napatunayan ko na that beneath my "meek as a lamb" exterior (shucks! the figure of speech ha! grabe na talaga ito!) eh nagpupumiglas ang aking pagka-Amazona kapag pamilya ant kaibigan na ang pinag-uusapan. Ika nga ng isa kong friend, "Ok ka sana Joyce, kaso masyado kang makampi... to the point na mali na yung kinakampihan mo eh kampi ka pa din!" Well, ako naman kasi naniniwala kay Jack, ang butihing father-in-law ni Gaylord Focker. Para kasi sa akin, once you're in my circle of trust eh there's nothing I wouldn't do for you... that's how I love and protect those people who have entered that circle... naks!

Biro nyo dati, batang-bata pa ako... wala pang ka-malay-malay pero litaw na litaw na ang aking pagkakaroon ng warrior star... one time kasi umuwi ang achie kong umiiyak... sinabi nya sa akin na inaway daw sya ng isang batang lalaking itago na lang natin sa pangalang "Kulas". Eh sobrang liit kaya ng ate ko... tapos payatot pa.. so feeling ko aping-api talaga sya. Kaya ang ginawa ko eh sinugod ko si Kulas.... yung panahong yun ang usong form ng away eh sabunutan... lalo pa girl ako di ba... kaya feeling ni Kulas eh maiisihan nya ako...pano kasi si mokong - kalbo! but that small glitch didn't stop me... anong ginagawa ng kilay di ba?!? Buhok din naman yan na pwedeng-pwedeng sunggaban... kaya ang kawawang Kulas humagulgol kasi pati kilay nya muntik ng makalbo...

Medyo ganyan talaga ang personality ko... fearless when it comes to defending my love ones... maski kamag-anak makakarinig sa akin... kahit mas matanda ka pa sa akin kung wala ka namang pinagkatandaan eh may mariririning ka sa akin... kung ang pamilya at kaibigan ko na ang inaagrabyado mo eh makakarinig ka sa akin... or in this case mababasa mo sa blog =)

Kaya nga nung minsang malaman ko na ang shobe ko eh nilagay sa alanganin ng isang taong itago na lang natin sa pangalang"College "Friends"" eh talaga namang naghihimutok ako dito... kulang na lang na mag-ala DARNA ako at fly na agad dyan sa Manila... kaso naisip-isip ko... yun ang di kakayanin ng powers ko... ang mag-2 piece... kaya I changed my mind... dito na lang muna ko sa Taiwan... magtutuos na lang kami kapag di pa din sya tumigil sa kakapasaring .... hoy day! malapit na akong umuwi! matakot ka sa size ko ha... isang dagan ka lang sa akin!!!!

Aba! kung di ka ba naman isang engeng and a half.... nahulian ka na nga ng ... itago na lang natin sa term na "drug bust" eh pilitin ba naman ang shobe ko na umaming kanya yon! Di ako nagmamalinis... di ako nagmamarunong sa lahat ng kinikilos ng shobe ko... pero alam ko kung ano ang dapat kong paniwalaan. Atchaka goodness gracious! You made the decision to be involved in something like this... nobody forced you, especially not my sister pwede ba! Eh alam naman lahat ng tao na ultimo baho ng singit eh lumalabas, eto pa kaya! So ang akin lang... paglumabas na... the least that you can do is own up to it!

OO, naniniwala ako that friends "should be with you when you need them the most." Pero ang pagkakaiba natin is that I would NEVER EVER put my friends in danger... I would NEVER EVER let my friends take the blame for something I did when I know it will put them in a negative light... I would nEVER EVER put my friends in harm's way just to spare myself from the devil's wrath.

Ika nga ng isang palabang babae, "Kung ano ang pinapakita mo sa akin, yun din ang ipapakita ko sa iyo." So if you are doubting your friends' genuineness, maybe its because they don't see something genuine in you. Also, according to the Oxford Dictionary, a friend is "a person, not a relation, whom one knows and likes well." Kaya para sa kin, tama na yang definition na yan... di na kailangang i-categorize pa ang mga kaibigan sa walang ka kwenta-kwentang labels.... para sa akin the friends that I have loved and continue to love from elementary, high school, college, grad school and sa work are the ones I consider my true friends... True friends... wala nang mas sisimpleng definition pa dyan!

No comments: