Hay! super pagod talaga ako... pano ba naman naubusan ako ng lakas sa pinag-gagagawa ko. At my goodness... ang aking naglalakihang legs eh super sakit... pano kasi karipas ang ginawa ko kagabi... mahirap na kasing ma-corner ng mga gangsters noh... kaya akala mo tuloy runner ako ng marathon...
Pano kasi a couple of weeks back eh I was able to get a part time job... aba! matagal-tagal ko ding inasam na magkaroon ako ng part-time work... pero yung in-offer na ito sa akin eh medyo nag-dalawang isip muna ako... kasi parang nakakatamad at sobrang late na matatapos yung work ... pero nanaig pa din ang aking pagka-slow at pagka-engeng... before i knew it eh nakapag-commit na ako... syempre without really analyzing the details... pero buti naman- awa ng Diyos eh ok pa ako... late lang nga talaga... biro mo tuwing fridays eh 9:30pm ako natatapos... tapos sympre taong-bundok ako... so mahaba-habang byahe yun...sobrang nerbyos ako kagabi noh... pano kasi 10pm na eh di pa din ako nakakasakay ng bus... yung mga tao sa kalye tinitingnan na ako kasi palipat-lipat ako ng bus stop... ang tagal kasi ng mga bus!!!! sympre kasi kailangan habulin ko yun schedule ng train eh kaya inaabangan ko kung aling bus yung unang dadating - dun ako sasakay... tapos from the train station eh maglalakad pa ako ng 30 minutes just to get home... kaya last night mga 11:40pm na ako nakauwi... at di pa dyan natatapos...kasi meron pa akong work ng saturday morning... grabeng scheduling to! parang hindi pang teacher! akala mo tuloy ang part-time work ko eh ang pagbebenta ng nganga... round the clock... up to the wee hours of the morning...hay wish ko lang noh... aba! minsan pinagpapantasyahan ko din namang mag costume ng ala-darna, little mermaid, at sailormoon habang nasa work... kaso di kakayanin ng powers ng customers... di siguro nila maatim na bumili sa akin ng nganga... biro mo all dolled-up as sailormoon ang beauty ko tapos nilalangaw ang pwesto ko kasi sukang-suka pati ang mga angkong sa itsura ko...hay... kaya nga feeling ko nasa tamang profession talaga ako eh... teacher... teacher ng kalokohan... wag lang papahuli kay bossing at sa mga parents ng mga bata!!!!
No comments:
Post a Comment