I wasn't able to bring Pong to the Philippines... di na ako masyadong nag-effort na mag usisa pa sa EVA air kung pano ko sya maiuuwi kasi feeling ko mahal yun. kasi papa-quarantine pa sya.. tapos since meron syang bukol sa neck nya eh sabi ko na malamang mahal talaga yun kasi bibigyan pa sya ng mga medicine para lumiit yung lump nya sa neck... kaya ayun... iniwan ko na lang sya kay Auntie Lolit and Jeff... sayang nga eh kasi malaki na sya ngayon... dati kasing laki lang sya ng NT50 coin.. eh ngayon kasing laki ng sya ng kamay ko... at talagang malaki yun kasi yung kamay ko parang kamay lalaki... as in I can pick up a tomato ketchup can using one hand.... yung pang catering type na laki ha... anyway, as of last week sabi ni Jeff sa akin na wala na daw bukol si Pong sa neck... buti naman at nag work sa kanya yung 3 antibiotic capsule na nilagay ko sa aquarium nya....
since sabi ni Laurence na its really good to have turtles for pets eh pag-uwi ko pa lang dito eh yun na talaga ang pinupuntirya ko... as in everyday since I got here eh nag sasabi ako sa yaya ko kung san pwede bumili ng turtle... eh bihira ka lang makakita ng turtle dito sa mga pet shops dito sa south... so I had to go all the way to cartimar.... kasi sabi ng yaya ko sure daw sya na meron dun.... eh since di ko kabisado yung pagpunta dun eh I have to wait for my brother's day off para sya sasama sa akin....
Finally, eh nakabili na din ako kanina ha... matapos kong halughugin ang buong cartimar para lang makahanap ng murang turtle.... grabe as in super mahal dito ng turtle ha!!!!! eh sa taiwan more or less NT50 ang isang turtle kung tamad tamad ka.... pero kung medyo masipag ka naman eh pwede ka pumunta ng mga night markets tapos maglalaro ko dun sa mga fishing games nila... doon, you just have to pay NT50... tapos yung vendor bibigyan ka ng fishing rod na may magnet sa dulo.... tapos mag-fi-fishing ka for turtles (with paperclips on their backs) sa shallow wading pool... as is as many as you can get ang drama... eh kanina yung bili ko eh P160 para sa malaki (as big as the old P1 coin.... minted during the 1960's) tapos P140 for the small turtle (as big as the current P5 coin)... tapos sympre bumili pa ako ng food nila... eh sa katangahan brought about by the smothering heat eh di ko na check kung ok yung binigay nya sa akin na bottle.... ayun... awa ng diyos meron pang 1/3 na natirang laman.... kasi mali yung nabigay nila sa aking bottle... yun ginagamit nila sa store na pellet bottle yun nabenta nila sa akin.. eh when i found out about the food thing eh nasa may roxas na kami... sayang naman ang gas.... so isip ko eh mag-diet na lang ang mga turtles ko... ang lagay eh ako lang!!!!
So now, I have 2 new pets....at first I wanted to name them Ping and Pong... kaso naisip ko si Pong sa Taiwan.... kaya nag-isip na lang ako ng iba... my brother suggested naming them after the teenage mutang ninja turtles... kaso naman pano kung talagang tinotoo nila ang kanilang pagiging TMNT eh di nanaisin pa nilang kumpletuhin yung team nila... my goodness... di kayang magkaroon ng master splinter dito noh... so eto na yung final names ng aking mga pet pagong.... si Pawi and si Kani.... kasi balak kong palakihin sila ng kasing laki ng pawikan!!!!!