When Shelby and I went to PGH about a month ago, we saw this baby who at first seemed to be a burn victim. Nagtutuklap kasi yung balat nya tapos medyo may konting bleeding-bleeding effect pa… super nakaka-awa yung bata noh… yun pala allergies pala yun! Sobra naman akong naka-relate kasi nung bata din kasi ako eh I was plagued with allergies… as in ipinanganak akong may allergies… sabi ng mommy ko baka daw kasi pinaglihi nya ako sa tuyo and red apples… siguro daw all the preservatives used in making the dried fish had a negative effect on me…
Kaya naman when I was growing eh talagang maraming pinagbawal sa akin, I can't use shampoo, conditioner, body lotion, etc... the only soap that I can use is Dove. tapos dapat yung plain unscented pa... yun na ang aking shampoo-conditioner-soap in one... BORING!!!! kaya naman ngayon eh super obsessed ako sa shampoos and bath gels. Tapos bawal pa ako dati mag-swimming sa mga pools because of the chlorine... nakakapag-swimming lang ako kapag nagpapalit ng water yung pool or kapag naka-isip kami ng scheme ng sister ko... ayun sa daming beses naming na-accidentally-ing nahulog sa pool eh nakahalata na sila... kaya ang ending eh monthly outing na lang to Los Banos para maibabad nila ako sa hot spring... naisip siguro ng dad ko na since talagang di nya ako mapipigilang mag-swimming eh might as well sa hot spring na lang para mamatay na din ang mga bacteria ko sa katawan!!!
Pero sympre likas na mahal talaga ako ng mga kati-kati ko sa katawan... my skin condition got worse when I was in elementary.. mga grade 4 ata yun all the way through high school... as in my face, especially my forehead, was covered with all these kati-kati... yung cheeks ko naman eh covered with pimples.. tapos may bleeding-bleeding effect pa when it gets really hot inside the classroom... kaya ayun napatawag pa tuloy ang mommy ko sa school kasi akala nila meron akong nakakahawang sakit... pagkamalan ba namang may ketong!!! EXCUSE ME noh!!! kahit ako'y isang allergy na tinubuan ng mukha eh may feelings din ako!!!
Kaya naman after that episode eh talagang nagpursigi si mommy na makahanap ng cure ko... dun na kami nag consult sa isang Chinese doctor... ninerbiyos pa ako noong una kasi mamaya kung anu-anong injections na naman ang gagawin sa akin... pero all he did was to check my pulse and my eyes... tapos nag-usap na sila ng mommy ko in Cantonese kaya super wala akong naintindihan.. yun pala.. kaya cantonese ang pag-uusap nila eh dahil may masamang binabalak ang dalawa... lagyan ba naman ng special ingredient ang gamot ko!!! ano kamo?!? walang iba kundi IPIS noh!!! well actually di naman talaga siguro ipis yun... pero it sure looks like one!!! pero kahit na anong klaseng insecto pa sya, the fact na yun yung main ingredient ng gamot ko eh super yuckadiri talaga noh!!! Talagang namutla ako nung makita ko na hinalo sya sa mga gamot ko... kaya talagang sinabi ko sa mom ko na hinding- hindi ko iinomin yung cockroach soup na yun!!! Pero ayun in the end eh napilit din nila ako... nagbitiw kasi ng magic words ang daddy ko... pwede daw ako kumain ng chocolate basta inumin ko lang yung medicine... at sympre since dina-diet na ako ng dad ko nung time na yun eh talaga namang magic to my ears yun!!!! as in GO..GO..GO!!! with matching duwal-duwal on the side....
Now, I have accepted the fact that this is a lifelong thing for me... This last week lang eh nasunog yung lips, tongue and gums ko just because I used a new brand of toothpaste... goodness... as in dumudugo-dugo na yung gums ko with matching kumapal at nagmanhid na yung tongue ko.. tapos ang talagang nakapagpa-alarm-a sa akin eh nasa early stages na sa pamamaga yung lips ko.. nakoh noh!!! ok lang na bumalik ulit yung mga kati-kati ko sa forehead wag lang kumapal ang labi ko...buti na lang talaga at naagapan siya dahil ayokong maging kamukha yung isang uncle ko na itatago na lang natin sa pangalang "uncle puckerlips"... yan ang nightmare!!!!