Thursday, January 1, 2009
DUH Moments of 2008
DUH Moment #1
kahit nakakahiya mang aminin eh iku-kwento ko na din... kasi in fairness, na prove ko na di ako nag-iisa sa DUH moment #1 kong ito... dahil aminin man ng iba, eh nabiktima din sila o napa-isip ng matagal-tagal bago nila na gets ito.... kaya I'm sure maraming makakarelate sa akin....
pano ba naman.. palagi ko na lang ito nakikita sa may lasalle... isip isip ko pa... "aba! sosyal... color yellow pa ang color ng sign!( as oppose to the usual color of streetname signs)"... pero still i didn't give it much thought kasi I don't drive to school.. so care ko ba sa mga signs...
Then one day... habang tinatahak namin ang kahabaan ng Roxas Blvd. eh bigla ko nanaman siyang nakita... Sabi ko sa shoti ko, " Aba! may PED XING, din pala dito!" ... deadma si brother... kaya ever continue ako with my spiel... "parang sa Taiwan na din pala dito... pare parehas na ang mga names ng mga streets." tingin sa akin si brother sabay sabi, "HUH?!?"... ako naman ever explain kay brother... kasi nag HUH? sya... eh feeling ko... Hay Nakuh!!! aanga-anga moment na naman si shoti... eh di explain to the max na ako na kasi sa Taiwan pare-parehas ang mga names ng streets and main roads dun... kaya you have to specify to the cab driver the name of the street and the specific city para di ka dalhin kung saan-saan... so eto na kamo... nagbigay pa ako ng example ng nangyari sa amin ni michelle nang biglang ementra si brother... sabi ng mokong... "Dits, pedestrian crosssing ang ibig sabihin ng ped xing noh!" ayun na... dead ma!!!
DUH Moment # 2
Di talaga ako fan ng mga rides sa mga amusement parks... my friends can attest to that... pero for some reason si achie palagi nalang kinakalimutan yon... palagi nalang ako pinipilit...
so eto na, nasa HK disneyland kami... tapos pinipillit nya akong sumakay ng space shuttle.. keyso daw na ang mahal mahal ng bayad tapos di ako sasakay.. tapos pagtingin ko pa sa pila eh panay mga bagets.... so yun... napilit din ako...
in fairness to me.. eh di naman talaga ako natakot sa ride... kasi ang dilim dilim sa loob so I'm sure halos lahat ng mga first timers dun eh aanga anga at nag aabang kung ano ang mangyayari... tapos i needed to close my eyes almost all throughout the ride kasi natatakot akong mag pop-out yung contact lens ko (hard contacts kasi yung sa akin)... so totally deadma ako sa mga curves and turns ng ride... kaya kalog ever ang utak ko...
finally natapos din ang ride.. medyo hilo ever ang drama ko pag labas namin kasi untog na lang ako ng untog yung ulo ko... itong mga kasama ko nandun na sa photo panel checking out our photos... ako naman parang zombie na sunod lang kay achie... si achie naman churva ever sa mga photos... ako.. okay lang kasi nga hilo pa di ba... eto kamo ang Duh moment... sabi ni achie, "dits, labas mo camera mo... picturan mo na lang ito para di na natin kailangang bilhin yung pix"... ako naman sunod ever... labas ang camera... in-on tapos biglang sabi..."ok, 1...2...3...." sabi bigla ni achie... bakit mo binibilangan yan? gagalaw ba?" heller!!!! i prompt daw ang pix to get ready... tapos itong si achie ipinamalita pa sa mga kasama namin ang ka-eng-engan ko!!! hay DUH talaga noh!!!!
Subscribe to:
Posts (Atom)