hey jenny! kakatawa sobra itong email mo! hats off dun sa naka-isip nito... evidence ito on how a great mind works....
"Pinapa-ikot mo lang ako... nagsasawa na ako. Mabuti pang patayin mo na lang ako." - electric fan
"Hindi lahat ng walang salawal ay bastos." - winnie d' pooh
"Alam mo ba wala akong ibang hinangad kundi ang mapalapit sa iyo pero patuloy ang pag-iwas mo." - ipis
"Hala! Sige magpakasasa ka! Alam ko namang katawan ko lang ang habol mo." - hipon
"Ayoko na! Pag nagmamahal ako lagi na lang maraming tao ang nagagalit! Wala ba akong karapatang magmahal?!?" - gasolina
"Hindi lahat ng green ay masustansya." - plema
"Hindi ko hinahangad na ipagmalaki mo na ako'y sa iyo. Ayoko lang naman na sa harap ng maraming tao, ganun mo na lang ako itanggi..." - utot
"Sawang-sawa na ako. Palagi na lang akong pinagpapasa-pasahan, pagod na pagod na ako." - bola
"Ginawa ko naman lahat para sumaya ka. Mahirap ba talagang makontento sa isa? Bakit palipat-lipat ka?" - TV
"Hindi lahat ng maasim ay may vitamin C." - kili kili
"Pilitin mo man na alisin ako sa buhay mo, babalik at babalik ako!" - libag
"Wag mo na akong bilulgin..." - kulangot
"Paano tayo makakabuo kung hindi ako papatong sa iyo?" - Lego
"Hindi lahat ng dugo pwedeng i-donate..." - regla
No comments:
Post a Comment