Tuesday, June 5, 2007

Get Your Freak On (1.21.2006)

I've been here for another 3 months (umuwi kasi ako nung October dyan sa Pinas) and sympre being the freak magnet that I am, eh pwede ba namang lumampas ang ganitong matagal na panahon na di ako makaka-encounter ng aking ka-tropa. Hay naman talaga! Parang may national convention of freaks dito at akala siguro nila eh ako ang kanilang duly appointed representative kaya naman palagi nila akong nilalapitan at kinakausap.

As usual marami-rami akong nakakatabi na bigla na lang tatawa o bigla na lang magsasalita na parang may kausap... (goodness gracious talaga... parang land of the tulilings). Pero syempre I'm used to them already that for me, it's just not worth writing about. Pero naman.. naman.. naman.. I've reached my quota for this quarter noh! Kaya kailangan ma-isulat na ito. And eventhough they are not as disgusting and frightening as the first freak that I've met, these five freaks truly stand out...

The Hostile Passenger

Sabi ko pa naman sa sarili ko... parang its going to be a nice day today kasi I didn't have to wait long for the bus and I didn't have to stand up kasi ang dami pang seats... needless to say eh nakoh...malaking HINDI! Yung isang pasahero dun eh may sira talaga sa ulo... mental patient baga... he's about 30 something and he's with his very old mom. Sa unang tingin, akala mo wala lang... kasi he looks really decent...he's even sporting a very nerdy eyeglasses noh. Pero wag ka... maya-maya nalang eh nagsisigaw sa loob ng bus. At di lang basta-bastang sigaw... ito yung super galit na galit na kala mo gustong pumatay ng taong sigaw... walang biro! The other passengers were very uneasy and syempre ako truly scared. Even the bus driver was really really alarmed to the point that his hand is always on the hand break and super alert sya na parang he's ready to tackle the guy in case na mag try na manakit ng ibang pasahero yung may tuliling. Tapos eto pa, kasi sa harap sila naka-upo, di maiiwasan na madadaanan sya ng other passengers kapag bababa. So every time na may mapapadaan sa kanya bigla na lang siyang sisigaw na "Gusto akong patayin nito!" or "Sasaktakan nya ako!" Isip-isip ko sana bumaba na sila kasi yung mommy sabi ng sabi sa kanya na bababa na sila sa next stop....at ako naman, ayoko na mauna akong bumaba kasi mamaya pag napatabi ako sa kanya eh bigla na lang akong saktan. Pero sympre ang tadhana nga naman...sa parehong stop kami bumaba. At nakoh ha... di ako maka-escape agad kasi naka green light pa so bawal tumawid. At kapag minalas ka talaga eh super tagal ng green light noh. Ayun... yung may katok umupo sa side walk tapos bigla na lang humagulgol. Ako din tuloy, parang gusto kong umiyak, kasi isip-isip ko hint ba ito sa akin on what life is going to be like in the future... kakatakot!!!

Ang NgaNga Man

Ito pang isa... sa bus stop na naman. Merong lumapit sa aking mama... akala ko he's just going to ask me for directions or about the bus route. Kaya yung medyo alam kong kakausapin nya na ako eh pina-practice ko na sa utak ko yung "I'm sorry, I don't know" in Chinese. Ayun... kina-usap nga ako. Tapos pag open pa ng bunganga nya eh nakoh naman...pulang-pula kasi ngumunguya pa ng nganga. Di ako masyadong nakikinig sa kanya kasi humahanap ako ng tsempo para sabihin yung line ko... tapos bigla ko na lang na-realize na hindi pala ito nagtatanong kundi humihingi pala ito sa akin ng NT30. Isip-isip ko nakakabili-ka ng nganga...which is not cheap ha...tapos hihingi ka sa akin ng pera kasi wala kang pamasahe! Kaya ayun nag hand gesture na lang ako ng "NO" tapos humakbang na akong papalayo. Aba... ang gago sinabihan ba naman akong "Huwag ka namang ganyan..." implying that I should help him. As if I owe him anything noh... feeling nya may share sya sa pera ko... kakaloka!

Si Angkong na may Katok

Siguro, di naman talagang may katok itong lolong ito. Medyo may pagka-walang modo lang . Pero he really got on my nerves kaya para sa akin freak of nature pa din sya noh. Biruin mo naman... ang aga-aga, medyo napapagod ka na sa kakalakad (30 minutes walk yun noh!) at eto kang seryosong nag-mu-muni-muni... then out of the blue....bigla ka na lang sasabihan na "Ang taba mo noh!" Feeling nya close kami...na para bang matagal na nya akong kilala ah! My goodness... as if its something that I didn't know na kailangan pa akong i-inform... di naman ako miyembro ng "I'm too sexy for my shirt" Club noh! Di ako dense... nakakainis!

Wasted Freaks

Grabe kakaibang experience ito dahil dalawa pa sila. Michelle and I were on our way to TECO to fix our documents. Tapos ayun nag-aantay kami to cross the street eh bigla na lang napansin namin itong isang mama na umiihi sa pader.. syempre dyan sa Manila eh regular thing na ito pero this is a very unusual sight...at talaga naman truly inebriated ang mamang ito dahil he was totally oblivious to the fact that he was doing it in one of the busy streets of Taipei and in broad daylight pa. At dun pa sya sa gitna ng pader... di man lang nag-try na magtago dun sa may corner kagaya ng mga tao dyan sa atin. So yung pwede nang tumawid, tawid kami agad ni Michelle. Ako naman, lumingon ako kasi sympre tsismosa ako di ba... aba nakita may umakay dun sa lasing... sabi ko ang sweet naman ng asawa nya (mahaba kasi ang buhok)... inaakay pa sya... yun pala drinking buddy nya na lasing din! Syempre karipas ang aming takbo kasi feeling namin sinusundan kami... kakapraning!

Pahabol na baliw

After pigging out on our yummy food and monstrous dessert eh relax na relax kaming tatlo (Gina, Michelle at syempre ako)... talaga namang picture-taking ang inatupag ... syempre I let my guard down na kasi I was thinking since it was the last day of the year eh what are the chances that I'll be encountering a freak...hah! fat chance dude! Talaga namang pahabol itong freakazoid na ito! At talagang literal na habol ha! Paano ba naman habang pakendeng-kendeng na naglalakad ang tres marias eh bigla na lang may narinig kaming sumisigaw na mama... una di namin pinapansin... malay ba namin di ba... pero grabe... palapit ng palapit ang sigaw... at nakoh feeling namin kami ang hinahabol ... di naman kami 100% sure pero aantayin pa ba namin na makalapit yung baliw... syempre hindi noh! just imagine ha... eto kaming tatlo... sobra sa kabusugan nag-pu-pumilit na tumakbo... kakahingal!

No comments: