Tuesday, June 5, 2007

YO!!! New homies!!! (6.20.2006)

lipat bahay na ako... pano kasi yung place nila achie luz is very far as it is... tapos may balak pa silang lumipat sa mas malayong lugar... so finally, i've decided to move... kaya nung june 17, 2006 eh finally, lumipat na din ako... now i get to have more time for rest and relaxation (naks!!! actually ang ibig sabihin lang nyan eh mas marami na akong time para tumunganga at magpaka-bundat) pano kasi dati naaaksaya yung time ko just by travelling from my house to my work place... ngayon i have about 4 hours of free time...so tunganga lang to the max ang beauty ko sabay lamon on the side... at talaga naman less stress na for my pata... pano kasi di ko na kailangan umakyat ng bundok (as in lakad yan ha for approximately 2 hours) araw-araw ...kasi malapit na malapit na ang place where i live and the place where i work...

so bakit ngayon lang ako lumipat? eh medyo slow talaga ako di ba at feeling martyr pa... pati pag process ng mga ganitong bagay like convenience and praticality eh talaga namang inabot ng isang taon bago ko na-grasp ang concepts na ito....at medyo ngayon lang talaga ako tinalaban ng takot... eh kasi nga di ba gangsters yung kapit bahay ko dati... so, medyo delikado talaga maglakad dun sa place na yun sa gabi...eh feeling ko naman di nila ako uupakan or something kasi syempre kahit super pawis na to the max ang beauty ko eh pinro-project ko pa din ang aking lady like manners... pero mahirap na di ba... i maybe big in size... pero like a very fluffy pillow eh these stored fats of mine are utterly useless when it comes to fights which require physical strength... kaya ayun lipat na!

at talaga namang super duper hirap maglipat noh! sabi ko pa nung una kina michelle and gina eh isang malaking box lang at siguro mga 2 bags ang mga gamit ko all in all... eh my goodness... umabot ng 2 oversized bags... as in oversized ha... 1 balikbayan box.... 2 big luggages... 1 small trolley bag...1 bag for my laptop... at endless number of shopping bags for my toiletries and other stuff which i fondly refer to as my "basura"... gosh... maloka-loka ako.... di ko alam kung pano ko lahat bubuhatin ang mga ito... biro mo dun sa dati kong tinirahan eh nasa third floor ako ng kanilang townhouse... so isa-isa kong binuhat pababa ang mga gamit ko... pero di naman talaga ako gaanong nahirapan kasi pababa yun... pero my goodness... itong nilipatan ko eh nasa third floor din... so talagang nag-worry ako at first... kasi isip-isip ko walang elevator dun sa building na lilipatan ko.. eh paano kung di ako tulungan nung maghahatid sa akin na akyatin yung mga gamit ko... isang malaking kalbaryo yun para sa akin... biro mo naglalakihan na nga ang mga pata ko eh pati ang mga arms ko eh maglalakihan na din... talagang magmumukha na akong sumo wrestler nito... buti na lang at mabait yung naghatid sa akin... kahit medyo feeling nya eh yakang-yaka kong maging kargador eh tinulungan pa din nya ako...

kaya ngayon... allergic na ako sa salitang "lipat-bahay"... ayoko na lumipat... dito na lang ako forever and ever and ever!!!! unless of course sa mansion ako lilipat at kapitbahay ko ang aking mga cutie korean boys... nakoh kahit pasanin ko pa ang fridge, washing machine, furniture at pati lababo ng sabay-sabay eh wala kayong maririning sa aking reklamo... ora mismo lipat na uli ako!!!!

No comments: