Tuesday, June 5, 2007

Pong.. my pet pagong (7.24.2006)

Sa sobrang pagka-lungkot ko dito eh bumili na ako ng pet... gusto ko talaga sana dog... kaso ang mahal ng mga dogs dito... tapos syempre the hassles of taking care of a dog crossed my mind... at aba.. added gastos pa yun noh... yung food nya... yung vet nya... at pati mga outfits nya (cute kasi ang mga outfit ng mga dogs dito!!!)

Kaya eto ang bagsak ko.... pagong!!! Pero sympre, before I finally decided on the turtle eh kinunsulta ko muna ang aking feng shui expert na friend.... sabi nya kasi pet turtles are for protection and career growth... kaya ayun... pagong na lang talaga!... kasi una sa lahat eh kailangan ko ng protection... protection sa mga may sayad.... at kailangan ko din ng pang-pa -boost sa aking career... my goodness... i need more work noh...

kaya nagpasama ako kay jennifer sa isang pet store... sympre with my sablay chinese eh yung sakiting turtle tuloy ang nabenta sa akin... atchaka medyo ayoko na kasi magtagal dun sa petshop...yung owner kasi ng pet shop nangangamot ng paa... eh yung paa nya sobrang dumi!!! feeling ko nga pag natapakan ako nun eh magkaka-tetano ang paa ko noh! tapos sympre hahawakan nya yung bibilhin ko di ba... kaya isip-isip ko na kailangan makauwi agad at maligo ng alcohol!!! pati si pong kailangan i-quarantine sa bacteria at germs na nakuha nya dun sa previous owner nya...

at talagang tinotoo ko ang pag quarantine ha... pano kasi napansin namin na hindi sya kumakain.. tapos super bagal kumilos (wag ng humirit ha... alam kong mabagal talaga ang turtles)... palaging tulog at walang kabuhay-buhay... sympre nag-worry naman ako... tinanong ko na ang friend ko at yung shoti ko kung ano ang gagawin kasi parang naghihingalo na si pong... kaya ang ending eh binigyan ko sya ng antibiotics... actually, yung water ng aquarium ang nilagyan ko ng antibiotics ko... pero syempre di ko inubos yung buong capsule... konti lang yung nilagay ko... tapos for 2 days yun ha... para mamatay kung anumang bacteria ang meron sya... naalala ko kasi yung uncle ko... eh parang nagkasugat ata or something yung pet fish nya.. so parang nanglalata yung isda... kaya nilagyan din nya ng antibiotics yung aquarium... at kung di ako nagkakamali eh nag work naman dun sa fish... kaya sabi ko why not try... eh mukhang mamatay naman na talaga sya eh...

pero ngayon... si pong, ang aking pet na pagong, eh super liksi na... ang bilis ng gumalaw... at ang takaw takaw ng kumain (sympre! kanino pa ba mag-mamana kundi sa amo!!!!)... at medyo sosy pa itong pagong na ito dahil minsan broccoli pa ang ginagawang snack!

so eto ang pinagkaka-abalahan ko ngayon! ang turuan sya ng mga tricks... unang trick: mag-sunbathing sa itaas ng bato...di pa kasi marunong umakyat ng bato... eh sayang naman kasi yung pinagpupupulot kong mga bato sa gitna ng daan ng night market kung di nya gagamitin noh!!! kaya talagang tinaasan ko ang tubig dun sa aquarium nya para matuto syang umakyat sa bato... ang ending... tuwing sunday nagsisimba na ako... kasi pinagdarasal ko na wag sana syang malunod!

and next on my agenda... bumili ng partner ni Pong... para may kalaro na sya... at sympre ang pangalan na ibibigay ko? eh di PING... para they will be known as "Ping Pong, my pet pagongs"!!!!

No comments: