since nabibilang na lang ang aking mga araw dito sa taiwan eh talagang sinusulit ko ang aming 8m na dsl.... sympre kasi pag uwi ko sa pinas eh... my goodness me... balik dial-up na naman ako ulit.... nag research na kasi ni michelle about the different dsl providers in manila and so far... kakaibang level sa kamahalan... eh yung 2m ata na dsl eh aabot ng 3k+.... tsk! tsk! tsk!.... kaya sa kakuriputan ko eh malamang nga dial-up ang bagsak ko...
kaya eto ako ngayon... non-stop surfing sa net... kahit mga medyo kadiring sites eh napupuntahan ko na... pero in fairness, madami-dami naman akong natututunan... yung mga things na you would usually encounter kaso di mo naman alam yung meaning eh na-research ko na... katulad na lang ng difference ng mga lead (yung sinusuksok mo sa mechanical pencil)... napag-alaman ko na what H, F, HB and B stands for... o diba... walang katuturan pero kahit papaano eh kelangan mo pa ding malaman....
pero ang pinaka-interesting site na napuntahan ko ngayon eh yung www.happyslip.com ... our friend Jeff told me about this site a couple of months ago... pero nakaka-limutan kong i-search kasi sympre busi-busihan ako sa kaka-search ng "maging sino ka man" sa youtube.... aba... laking paghihirap ko dun noh... talagang na test ang brain powers ko kasi maya't maya nag-iiba yung title na pino-post dun sa youtube o na-su-suspend yung account... hay buti na lang talaga at natapos na sya!
No comments:
Post a Comment