Tuesday, June 5, 2007

For the faint-hearted (8.15.2006)

Sa size kong ito, di mo aakalaing mangilang beses na akong hinimatay. Sickness is not the culprit as to why I would have these fainting spells. Actually, its more of katangahan, would you believe?!? Sympre, at kinailangan ko pang itanong yan!!!

The first time I fainted was because I fell down a flight of stairs. Pano kasi di pa uso dati ang mga flyovers at traffic pa sa mga expressways. So kami ng mga kapatid ko dapat madaling araw pa lang eh would leave na for school. Paranaque kasi kami nakatira tapos ihahatid muna kaming mga girls sa St. Jude (with matching checkpoints pa....) tapos yung brother ko naman sa Xavier pa... kaya talaga namang habol kami ng habol sa oras...

eh one time late na kami... so nagmamadali na kaming lahat.. ako pa naman yung tipo ng tao na ayaw ma-late...kaya ayun takbo ako pababa ng stairs... sympre with matching sound effects yan at may yanig effect pa!!! I guess I was going too fast that I miscalculated a step... ang ending?!? ayun "sprawling beauty" ang dating ko sa ground floor... as in super black-out ako... when I gained consciousness eh lahat ng tao sa bahay natataranta na... yung driver namin was slapping my face at the same time trying to carry me... take note ha... trying to carry me! Syempre di sya naging successful sa pag-a-attempt nya noh.. with all 200+ pounds of my gloriousness (at that time ha... at that time... second year high school pa yun!!!! ngayon kasi 200 flat na lang ako... what a big accomplishment noh!!!)

The second time I fainted was when I was in the hospital... the operating room to be exact... second year high school din ako nun... pano kasi sabi sa akin ng mommy ko check up lang...tapos dinala ba naman ako sa OR (wala na atang available na examination rooms)... pero di ako hinimatay dahil lang dun.. kasi I have this bump at the back of my neck.. tapos pinipisil ng doctor trying to figure out what it was... eh ang sakit-sakit-sakit kaya... tapos i-add pa natin ang mga factors na may phobia ako sa mga doctor at nasa OR ako.... Yikes talaga! swaying-swaying na ako...maya-maya napasigaw na lang ang mommy... tapos when I regained consciousness eh sabi ng mommy ko.. "ni nerbiyos sa iyo ang doctor.. nagtatawag na ng mga male nurses na mag-a-assist sa pagbubuhat sa iyo"... bakit!!!! kasalanan ko bang di man lang ako paupuin bago nya ni examine yung bump ko? ayan tuloy nahirapan sya sa akin...

Sympre with all these events.... napa-esep-esep itong mommy ko... sabi nya siguro... "nakoh... himatayin itong anak ko... pano ko mabubuhat ito next time"... kaya ang bright idea ng mommy ko nung summer before ako mag 3rd year eh ni-enroll nya ako sa Slimmers World... nakoh... madaming kwento nanaman yan tungkol sa slimmers escapade ko.. pero yung isang kwento related dito.. pano kasi hinimatay din ako dun... pero walang naka alam.. kakahiya kasi.. pano ba naman sabi ng mommy ko na after ko daw mag work out and before taking a bath eh mag sauna daw ako.. para mas mabilis daw ako papayat... aba.. naniwala naman ang eengot-engot na dabs! kaya ayun.. almost an hour ako sa loob... eh ang dapat lang pala mga 10 to 15 minutes.. pano kasi isip-isip ko siguro pag nagpatagal ako dun eh baka mas mabilis keysa mabilis ang pagpayat ko... kaya ayun pag labas ko ng sauna eh medyo light-headed na ako.. hay! talagang di ko pinaalam dun sa mga staff na feeling kong hihimatayin na ako... grabe mamaya mag tawag pa yun ng mga fitness instructors para buhatin ako... eh goodness me... para silang magbubuhat ng pillow na walang pillow case nyan...tapos di pa ako kumain before ako nag work out... kaya pag pasok ko sa shower room eh wala na... napa-upo na lang ako sa floor... grabe buti na lang at di ako sa loob ng sauna room hinimatay at kung hindi... broiled tabs na ako!!! kaya after nung nangyari iyon eh dali dali ako bumili ng chocolait at magnolia freshmilk sa mini grocery.. feeling ko kasi ma e energize ako ng mga yun!!!!

ngayon naman... di na ako hinihimatay talaga.. its more of mga dizzy spells... sa dalas kasi na mangyari ito eh medyo na se sense ko na sya... usually what i do is to calm myself down and i try to drink some water....tapos sabay pray to God... sabi ko "God, in case na talagang I'll be knocked down cold... sana ang maka-discover sa akin eh yung big enough and strong enough na makakabuhat sa akin sa hospital... at pwedeng pahabol... sana gwapo yung doctor!!!"

3 comments:

Anonymous said...

Your blog keeps getting better and better! Your older articles are not as good as newer ones you have a lot more creativity and originality now keep it up!

Anonymous said...

One of my friends already told me about this place and I do not regret that I found this article.

joycechiuso said...

hey thanks... really appreciated it... =)